Iba ka ba?

“Conformity is the jailer of freedom and the enemy of growth.” John F. Kennedy

 

Nung bata pa ako, pakiramdam ko iba ako, may mga naiisip ako ng naging dahilan din para ako’y  maging depress. Iniisip ko bakit ganito ang mundo, paulit ulit, gigising, kakain, mag-aaral, matutulog tapos gising ulit. Ganito lang ba talaga ang buhay? Anong mangyayari sa atin pag tayo’y namatay? Mahiyain ako noon at hindi masyado nagsasalita. Pakiramdam ko kasi baka isipin nila weirdo ako, kasi lahat naman ng tao ganun ang ginagawa pero masaya sila. High School ako nung mga panahong ito.

Meron din mga gumugulo sa isip ko tungkol sa pananampalataya sa Diyos. Kelangan ba pag maraming naniniwala ganun narin dapat ang maging pananampalataya mo? Naramdaman ko na nuon pa na ako’y kakaiba. Maraming gumugulo sa aking isipan kasi naghahanap ako ng dahilan kung bakit tayo’y nabubuhay. Noong kolehiyo na ako, naging tinatawag na Punks o parang sa iba Rebel ang peg ako. Gusto ko iba ako sa pananamit, musika at paniniwala. Sabi ko sa sarili, bakit ba kelangan sunod sunuran ako sa panuntunan or standard ng mundo. Tao lang naman din ang gumagawa kung ano ang dapat at hindi. Muntik nako huminto sa aking pag-aaral kasi para sa akin napakawalang kwenta ng aking kurso, kasi ang tinuturo ay para sa isang aspeto lang ng buhay, ang magtrabaho para kumita ng pera.Marami sana ako gusto malaman, tungkol sa paligid, sa pakikitungo sa tao, sa relihiyon, gobyerno, sa pamilya pero lahat yun hindi pinag-aaralan, kung meron man, hindi pinagtutuuanan ng pansin. Pakiramdam ko wala akong tunay na sandata pagkatapos ko ng kolehiyo. Ako’y patuloy na naghanap, nagdasal, naligaw ng landas para hanapin ang aking sarili. Nung panahon yun, wala nakakaalam na ako’y nakakaranas ng matinding depresyon. Pero sa aking mga naranasan,sa mga taong kinausap, sa mga librong nabasa, ako’y natuto. Mahilig ako laging magtanong sa mga bagay bagay, gusto ko intindihan lahat. At dahil dun nakilala ko ang aking sarili. At ang Diyos. Nagkaroon na ng halaga ang buhay ko dahil naintidihan ko na kung bakit tayo andito sa mundo. Naniniwala ako na tayo’y ginawa ng Diyos na ispeyal, may kanya kanyang paniniwala at katauhan. Maaring ang aking karanasan, paniniwala at kaliwanagan sa buhay ay iiba saiyo. Pero katulad ng sinabi ni John F. Kennedy kung tayo ay susunod lamang sa agos ng nakakarami, darating ung panahon na mararadaman mo na parang may kulang parin sa sarili mo. Hindi ka magiging lubusang masaya at malaya. Hindi ka lalago sa anumang aspeto ng buhay. Hindi porket ginagawa o pinaniniwalaan ng nakakarami dun ka narin. Wag ka mahiya magtanong, maghanap, wag dapat iisipin ang sasabihin ng tao dahil buhay mo iyan.  Nilikha tayong natural na magkakaiba! 😉

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s